BETTERDAZE

Jeremy Ganzon, Rino Ibanez

HOOK

di na broke pero darating yung better daze
di ko alam kung paano basta galawan ang mga plano
di na broke pero darating yung better daze
di ko alam kung paano basta galawan ang mga plano

verse

kahit minsan delikado taya na yung buhay na parang laro
kailangan husayan panalo ko to sarili kong laban kinaya ko to
at kahit puno ng pasan ang kasalukuyan mo ay wag mong itago
bagamat tapik na maituring gamiting materyal para pa lumayo

ang dami pwede na hakutin pag oras ko na sisikapin
pa lalo kung pano ko papaganahin ideya galawan lakarin
at kahit mabato maputik sa daan ay walang rason hahamakin
ko parin yung bagay na para saken na dapat hindi mo harangin

salamat patawad nawa kung minsan ay wala ka sa isip
alam ko sayo to nag mula anong meron ako at sinulat na titik
kung ang ruta ko minsan malabo sa mata ko at panaginip
dama ko nanjan ka sa tuwing malikot magulo nanaman ang isip

sisid ka sa tunog ko matatanto
na malawak at malaya kapasidad ng bungo
daming nakatitig kalma kong nilalaro
di ko pinipilit kung hindi mo to gusto pero

HOOK

di na broke pero darating yung better daze
di ko alam kung paano basta galawan ang mga plano
di na broke pero darating yung better daze
di ko alam kung paano basta galawan ang mga plano

verse

pero malaya mo man abutin ang daming susubok parin
sa dami kinain lang din mga duda at tawa nung nasa dilim
humuhupa yung sugat sa kada palag sa problema wala ng daing
panis yung kumontra natusta sa kada bitaw ko ng madidiin

at walang tinirang bitin ang dami pang kayang gawin
at balang araw kayang lumipad din gamit yung hilig at tutuparin
daming ideya na bubuohin at mga tenga na dapat busugin
mga tulog na dapat tapikin para sa reyalidad magising

gamit ang musikang kasalo ko sa buhay
kasama pag kailangan ko ng kulay
di maaalis saaken parang gulay
sunog pag labas dama mong tunay

2x
kaya

HOOK

di na broke pero darating yung better daze
di ko alam kung paano basta galawan ang mga plano
di na broke pero darating yung better daze
di ko alam kung paano basta galawan ang mga plano

Most popular songs of Luci J

Other artists of Asian hip hop