Nag-iisang Muli

Gian Bernardino, Raphael Ridao, Jean-Paul Verona, Paolo De Leon

Kay lamig ng simoy ng hangin
Mga talang yumayakap sa akin
Kasabay ng aking pagpikit
Suminag ang pait, pag-asa'y 'di masilip

Sa gitna ng gabing kay dilim
Naghihintay mula takipsilim
'Di susuko sa pagtitiwalang
Ikaw ay makakamtan nang hindi panandalian

Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala
'Di uubra ang hamon ng duda

Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay na makasama ka
Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan

Patuloy na inaasam na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw

Makulimlim na pagsikat ng araw
Nananaig na ang boses na bumibitaw
Bingi-bingihan na naman
Pilit na tinatakpan, pusong nananawagan

Kay ginaw ng tanghaling tapat
Mga ginagawa'y 'di pa rin sapat
Sumagi sa 'king pag-iisip
Damdami'y kinikimkim, sa sarili'y 'di maamin

Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay na makasama ka
Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan

Patuloy na inaasam na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita
Ikaw ang hangad

Balik takipsilim, sasapit na'ng gabi
Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli
Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim
Puso'y nagising, nag-iisang muli, muli

Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
Ng puso kong naghihintay na makasama ka
Sa 'king buhay, hanggang sa dulo ng walang hanggan
Ikaw ang hanggan

Patuloy na inaasam na masilayan na kita
Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala
Ang kahilingang mahanap kita (makita ka)
Ang tanging hangad ng puso'y ikaw (mahanap ka, mahuli ka konti, ah-ah)

Ng puso'y ikaw
(Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli) Ng puso'y ikaw
(Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim)
Puso'y nagising
Nag-iisang muli

Trivia about the song Nag-iisang Muli by Lyca Gairanod

Who composed the song “Nag-iisang Muli” by Lyca Gairanod?
The song “Nag-iisang Muli” by Lyca Gairanod was composed by Gian Bernardino, Raphael Ridao, Jean-Paul Verona, Paolo De Leon.

Most popular songs of Lyca Gairanod

Other artists of Middle of the Road (MOR)