Wala Na Bang Pag-Ibig
Makakaya ko ba kung mawawala ka sa 'king piling
Pa'no ba aaminin
Halik at yakap mo ay hindi ko na kayang isipin
Kung may paglalambing
'Pag wala ka na sa aking tabi
Tunay na 'di magbabalik ang dating
Pagmamahalan pagsusuyuan
At tuluyan bang hahayaan
Wala na bang pag-ibig sa puso mo
At 'di mo na kailangan
Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan
Pa'no kaya ang bawat nagdaan
Huh hmm
Makakaya ko ba kung tuluyang ika'y wala na
At 'di na makikita
Paano ang gabi kapag ika'y naaalala
Saan ako pupunta
'Pag wala ka na sa aking tabi
Tunay na 'di magbabalik ang dating
Pagmamahalan pagsusuyuan
At tuluyan bang hahayaan
Wala na bang pag-ibig sa puso mo
At 'di mo na kailangan
Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan
Pa'no kaya ang bawat nagdaan
Wala na bang wala na bang pag-ibig sa puso mo
At 'di mo na kailangan
Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan
Pa'no kaya (pa'no kaya)
Wala na bang pag-ibig sa puso mo (sa puso mo)
At 'di mo na kailangan
Ang pag-ibig na dati'y walang hanggan
Pa'no kaya (pa'no kaya) ang bawat nagdaan
Huh
Wala na ba