Bakit?

Nhiko Sabiniano, Ralph William Datoon

O pano, sa ilang taon na iyon
Na akala ko ay tunay o bakit
Nagbago?
Nagtataka, nalilito
Minahal mo nga ba talaga ako?

Bakit ikaw ang sigaw ng aking puso?

Kahit na ilang beses mo 'kong iniwanan
Paulit-ulit na akong inagawan
Ng mga sandaling ika'y kinailangan
Nanatili parin ako sa tahanang
Iniwan mo

Bakit 'di na ako ang 'yong gusto?
May iba na bang gwapo sa mata mo?
Kasi kung paru-paro sa tiyan ang basehan
Ng pagmamahal, nakalutang na ako

Bakit mahal parin kita?

Kahit na ilang beses mo 'kong iniwanan
Paulit ulit na akong inagawan
Ng mga sandaling ika'y kinailangan
Nanatili parin ako sa tahan

Kahit ilang beses mo nang tinakasan
Ang mga tanong na pilit mong iniiwasan
Bakit parang wala lang sa'yo ang mga luha?
Umiyak ka manlang ba nung ako'y nawala na?

Ganun ba'ko kadaling kalimutan?
Punong-puno ako ng mga katanungan
Bakit di mo manlang ako pinaglaban?
Bakit? Bakit?

Kahit unti-unti mo akong binitawan
Simula nung siya na ang laman ng isipan mo

Sinisi ko aking sarili
Araw araw akong nagtatanong kung bakit?

Trivia about the song Bakit? by Maki

When was the song “Bakit?” released by Maki?
The song Bakit? was released in 2023, on the album “Tanong”.
Who composed the song “Bakit?” by Maki?
The song “Bakit?” by Maki was composed by Nhiko Sabiniano, Ralph William Datoon.

Most popular songs of Maki

Other artists of Hip Hop/Rap