Takipsilim

Maridec Quilnat

Nalilito, gulong gulo
Naghahanap ng kanlungan
Naliligaw ang puso kong
Puno ng alinlangan
Walang ibang pag-ibig
Kung hindi Ikaw
Nalulumbay at para bang
Nawawalan ng pag-asa
Pikit matang naglalakbay
Pagal at nasusugatan
Dalangin ng puso'y sumisigaw

Ang pagmamahal Mo ay walang hanggan

Namulat sa buhay
Na Iyong binigay
Hatid ay ligayang
Walang kapantay
Sabik sa pag-ibig Mo
Lakas at liwanag Mo
At kahit mundo ay puno ng pait
Ikaw ang gabay sa bawat sandali

Pagsikat ng araw
Hanggang takipsilim

Takipsilim

Aking panalangin (takipsilim)
Sa Iyo'y mamalagi (takipsilim)
Ikaw ay pupurihin (takipsilim)
Pag-ibig Mo ay kasing ganda ng
(Takipsilim)

Trivia about the song Takipsilim by Mari

Who composed the song “Takipsilim” by Mari?
The song “Takipsilim” by Mari was composed by Maridec Quilnat.

Most popular songs of Mari

Other artists of Middle of the Road (MOR)