Nang Dahil Sa'yo
Hindi mo ba pansin
Mundo ay kay dilim
Ang mga mata'y laging may luha
At mali minsa'y nagiging tama
Ngayon sa gitna ng lahat
Mayro'n pa ring liwanag
Gabay upang iyong makita
Ang mundo'y maganda pa rin pala
Nang dahil sa iyo payapa'ng puso't isip
Nakita ko sa'yo ang tunay na pag-ibig
Ngayon ay bago na
Pananaw ko'y may sigla
'Di na lungkot ang nakikita
Sa mata basa mo'ng aking saya
Dahil sa gitna ng lahat
Ikaw ang siyang liwanag
Gabay upang aking makita
Ang mundo'y may pag-asa pa pala
Nang dahil sa iyo payapa'ng puso't isip
Nakita ko sa'yo ang tunay na pag-ibig
Sa biyayang bigay nagbago na'ng buhay
May pangako na ang bukas na ligayang wagas
Dahil sa gitna ng lahat
Ikaw ang siyang liwanag
Gabay upang aking makita
Ang mundo'y may pag-asa pa pala
Nang dahil sa iyo payapa'ng puso't isip
Abot-kamay ko na ang nais kong makamit
Nakita ko sa'yo ang tunay na pag-ibig