Lisanin

Marlo Mortel

Madaling sabihing nakalimot na ako
Ibinubulong sa sarili
Wala na sa'kin to
Ngunit di mapakali sa
Tuwing pinagmamasdan ko
Ang mga larawan nating itinatago ko
O sana nga
Ganun pa rin kasaya

Puso'y gusto nang makalimot
Ngunit di ko lang talaga
Magawang alisin ka sa isip
Pagkat alam ko na
Tanging ikaw lang
Ang gusto kong masama
At makapiling kailanman
Palaging aalagaan at
Hindi ka sasaktan
Bigyan mo lang ako
Ng huling pagkakataon
Upang ikaw ay mahalin
At ako'y di na lisanin

May mga panahong
Naiiyak na lang ako
Itinatanong sa sarili
Tama pa ba to?
Sabi mo noon ay hahanapin
Mo lang ang sarili mo
Ngunit di ka na bumalik
At sabi mo mas mabuti na to

O sana nga
Matapos na ang pagdurusa
Ahhh....

Puso'y gusto nang makalimot
Ngunit di ko lang talaga
Magawang alisin ka sa isip
Pagkat alam ko na
Tanging ikaw lang
Ang gusto kong masama
At makapiling kailanman
Palaging aalagaan at
Hindi ka sasaktan
Bigyan mo lang ako
Ng huling pagkakataon
Upang ikaw ay mahalin
At ako'y di na lisanin

Ohhhh
Puso'y gusto nang makalimot
Ngunit di ko lang talaga
Magawang alisin ka sa isip
Pagkat alam ko na
Tanging ikaw lang
Ang gusto kong masama
At makapiling kailanman
Palaging aalagaan at
Hinding hindi ka sasaktan
Bigyan mo lang ako
Ng huling pagkakataon
Upang ikaw ay mahalin
At ako'y di na lisanin

May mga panahong
Naiiyak na lang ako
Naniniwala pa rin ako
Sa masasaya nating panahon

Trivia about the song Lisanin by Marlo Mortel

When was the song “Lisanin” released by Marlo Mortel?
The song Lisanin was released in 2018, on the album “Serye”.

Most popular songs of Marlo Mortel

Other artists of Film score