May Minamahal

May minamahal bawat taong may damdamin may minamahal tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig at ngayo'y nagmamahalan ng tapat

'Pag nagmamahal bawat sandaling kasiping ka'y anong bilis bawat oras ay mayro'ng
Kasaysayang anong sarap anong tamis maligaya nga ang taong nagmamahal

Kaya ako'y napaligaya ng tunay na pagmamahal ang lahat ng kagandahan ay nasa 'yo
Ningning ng mata lambot ng labi at ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog katawang tunay

'Pag minamahal kulay rosas ang paligid ko sa tuwi-tuwina nakayakap sa ulap
Buong mundo'y nagagalak na mayroong nagtatalik na dal'wang pusong nagmamahal

Kaya't tayo'y magpasalamat sa ating kapalaran nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin dahil tayo'y hindi magbabago habang may buhay

May minamahal bawat taong may damdamin may minamahal tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya't habang may pag-asa kayo humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya kung mayroon nang tunay na minamahal

May minamahal bawat taong may damdamin may minamahal tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya't habang may pag-asa kayo humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya kung mayroon nang tunay na minamahal may minamahal

Trivia about the song May Minamahal by Martin Nievera

On which albums was the song “May Minamahal” released by Martin Nievera?
Martin Nievera released the song on the albums “Ikaw Ang Pangarap” in 2009 and “Awit Ng Puso” in 2009.

Most popular songs of Martin Nievera

Other artists of Middle of the Road (MOR)