Sa Kanya
Namulat ako
At ngayo'y nag-iisa
Pagkatapos ng ulan
Bagama't nakalipas na ang mga sandali ay nagmumuni
Kung ako'y nagwagi
Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin
Ngunit bakit hanggang ngayon
Nagdurugo pa rin
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon
Alay pa rin
Sa kanya
At sa hatinggabi at nag-iisa na lang ay minamasdan ang larawan mo
At ngayo'y bumabalik ng siya'y kapiling pa (kapiling pa)
Alaala ng buong magdamag
Kung sakali mang isipin na ito'y wala sa akin
Sana'y dinggin ang tinig kong
Nag-iisa pa rin
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan (ng ating nakaraan)
Ang pagmamahal at panahon alay pa rin
Sa kanya
Oh (oh)
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko (oh)
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan (ng ating nakaraan)
Ang pagmamahal at panahon
Ang pagmamahal at panahon alay pa rin
Sa kanya
Sa kanya