Ilang Ulit Pa Ba
[Verse 1]
Bakit kaya naghihintay pa rin
Umaasang ika'y babalik sa'kin?
Araw-araw at gabi-gabi na lang bang mangangarap
Na sana ay mapansin mo rin?
[Verse 2]
Bakit kaya minamahal pa rin
Umaasang sana'y ganito ka din?
Lagi-lagi kong hinahanap ang pag-ibig mo
Bakit kaya bigla kang nagbago?
[Chorus]
Ilang ulit pa ba akong masasaktan
Sa mga kilos mong walang pakialam?
Ilang ulit pa ba bago madama?
Na kailangan ka, na mahal kita
[Verse 3]
Na kahit ako sayo'y balewala
Umaasang sayo'y maging mahalaga
Urong-sulong man pag-ibig mo, 'di pa rin nagbabago
Na ikaw ang hanap ng puso ko
[Chorus]
Ilang ulit pa ba akong masasaktan
Sa mga kilos mong walang pakialam?
Ilang ulit pa ba bago madama?
Na kailangan ka, na mahal kita
[Chorus]
Ilang ulit pa ba akong masasaktan
Sa mga kilos mong walang pakialam?
Ilang luha pa ba bago madama?
Na kailangan ka
[Outro]
Dahil mahal kita