Nilalamig
Nilalamig at namamanhid
di na alam kung ano pang gagawin natin
sumisigaw aking damdamin na ikaw lang
ang mamahalin at ibigin hanggang sa huli
Lumalakbay pabalik
sa nakaraang kay tamis at walang pait
ngunit ngayo'y di makalimot
sa nakaraang di na pwedeng maibalik
Giniginaw
sa lamig ng panahon
Naliligaw
mundo ko'y sayo lang umiikot
Di pa alam
kung bakit ika'y naglaho't
di na bumalik
Di makalapit
makausap ka
Di makatulog
iniisip ka
Taging hiling ko lang ay
bumalik ang damdamin mo
Kahit hirap na hirap
na ako't nag papasakit sayo
Sana di nalang kita niligawan
sana di nalang kita nakilala't naging kaibigan
naging kasintahan
Dinidibdib ang yong mga sinabi
Na ayaw mo nang lumaban at akoy mahalin
Giniginaw
sa lamig ng panahon
Naliligaw
mundo ko'y sayo lang umiikot
Di pa alam
kung bakit ika'y naglaho't
di na bumalik
Di makalapit
makausap ka
Di makatulog
iniisip ka
taging hiling ko lang ay
bumalik ang damdamin mo
Kahit hirap na hirap
na ako't nag papasakit sayo
Tanging hiling ko lang ay
bumalik ang damdamin mo
Kahit hirap na hirap
na ako't nag papasakit sayo