Kilig
Panay sulyap lang lagi
Nagbabakasakali
Na maabutan ka habang nagkakalad
Kasi pag nakikita ka’y tumatalab
Ang nagmistulang gayuma ng iyong ganda
Ako’y kinikilabutan pag andiyan ka na
Halos mahulog ang puso ko sa’king kaba
Paano na lang to kapag akin ka na
Kaso lang malabo pa ayaw kong pangunahan
Pa’no makakaamba eh hanggang tingin pa nga lang
Di nga kita kayang kausapin ni lapitan ka’y isang pagsubok sa’kin
Pa’no ko ba kasi hahanapin ang lakas ng loob oh
At nang mahuli kitang sa’kin nakatingin
Ay muli kong nadama na naman ang kilig
At nanghina ako nanghina ako
‘Di ko sinasadya na ako’y kiligin
Malay ko ba naman na nakatingin ka rin
Nanghihina ako nanghihina ako
Sa t’wing ako’y humaharap sa salamin
Susubok kung pa’nong ngiti ang gagawin
Nag-aayos maigi pero aanhin
Ang porma at pabango kung wala lang rin
Namang mapapala pa’no panay ang tulala
Abot kamay na nga pero wala pang nagawa
At nang mahuli kitang sa’kin nakatingin
Ay muli kong nadama na naman ang kilig
At nanghina ako nanghina ako
‘Di ko sinasadya na ako’y kiligin
Malay ko ba naman na nakatingin ka rin
Nanghihina ako nanghihina ako
Magkakar’on kaya ‘ko ng pag-asa kung aasa lang at walang ginagawa
Kung lagi lang nakatanga nag-aabang kung kailan ba talaga
Ang tamang panahon o pagkakataon (woh)
Paano kung magtanong na lang kaya sayo (kaso)
At nang mahuli kitang sa’kin nakatingin
Ay muli kong nadama na naman ang kilig
At nanghina ako nanghina ako
‘Di ko sinasadya na ako’y kiligin
Malay ko ba naman na nakatingin ka rin
Nanghihina ako nanghihina ako