Pare Mahal Mo Raw Ako

Pare mahal mo raw ako
Yan ang sabi mo raw
Nang minsan ay malasing tayo
Hindi kita sinisisi galit ay wala ako
Pare pag-usapan natin to

Pare ako raw ang yong gusto
Yan ba ang lihim na sa aki'y sasabihin mo
Hindi ako iiwas di lalayo sa yo
Pare pag-usapan natin to

Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita

Pare nandito lang ako
Nangangako sa yo ganoon pa rin ikaw ako
Hindi ako iiwas di lalayo sa yo
Pare kaibigan pa rin ako

Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita

Hindi maiilang lagi mong tandaan
Kaibigan mo ako kailan pa man
Wala namang mababago
Sa pagtingin ko sa iyo
Pero kaibigan lang ang pwede kong ialay sa iyo
At kung higit pa ron pasensya na
Di ko makakaya
Pare kaibigan lang kita
Pare kaibigan lang kita

Trivia about the song Pare Mahal Mo Raw Ako by Michael Pangilinan

When was the song “Pare Mahal Mo Raw Ako” released by Michael Pangilinan?
The song Pare Mahal Mo Raw Ako was released in 2016, on the album “Michael”.

Most popular songs of Michael Pangilinan

Other artists of Film score