Hibang
Inday kamusta na si Juday
Ang alter-ego mo sa salamin
Kamusta na ang pagda-diet
'Di ka na yata kumakain
May sasabihin ako sa'yo sana
Pero 'di yata tama
Siguro'y wag na muna
Tsaka na lang kapag okey na
At kung limutin man ng panahon ang pagkakataon
Sana'y hilumin niya ang puso mong ngayo'y nagdaramdam
At kung sakali mang ipagtagpo mga kamay ng orasan
Sana'y makita mo ring ako'y nandito lang
Isang hibang na nag-aabang
Hay hanggang kalian ba ang iyakan
Sa teleseryeng bida-bidahan
Bakit naman biglang lumisan
Ang katambalan kong leading man
Alam kong may pinagdaraanan ka
Kaya nga 'ko nandito aalalayan kita
Wag mo na munang isipin siya
At kung limutin man ng panahon ang pagkakataon
Sana'y maghilum na ang puso mong ngayo'y nagdaramdam
At kung sakali mang magkatagpo mga kamay ng orasan
Sana'y makita mo ring ako'y nandito lang
Isang hibang na nag-aabang
Lagi kitang susubaybayan
Hibang na hibang
Hinding-hindi ka pababayaan
Walang iwanan alam na alam mo na yan
Kahit kailan laging maaasahan
Noon pa man ang number one mong fan
Kahit sayo ako'y kaibigan lang
At kung limutin man ng panahon ang pagkakataon
Sana'y hilumin niya ang puso mong ngayo'y nagdaramdam
At kung sakali mang ipagtagpo mga kamay ng orasan
Sana'y makita mo ring ako'y nandito lang
Sana'y makita mo na sana'y makita mo ang
Isang hibang na nag-aabang