Anong Nangyari Sa Ating Dalawa

Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap
Ngunit bakit nagbago ang lahat
Ang init ng pagmamahal parang naging salat

Pangako habang buhay
Nangakong 'di magwawalay
Ngunit ba't lumamig pagmamahal
Parang 'di na ikaw sa Maykapal ang dinasal

Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nag-kulang o ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan

Anong nangyari sa ating dalawa
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na
Damdamin ay nasasaktan puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan

Nasan ang sumpaan
Akala ko ay walang hanggan
Ngunit bakit ngayo'y nasasaktan
Hanggang dito na lang ba ang ating walang hanggan

Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang o ikaw ang 'di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan

Anong nangyari sa ating dalawa
Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na
Damdamin ay nasasaktan puso'y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan

Anong nangyari

Most popular songs of Moira Dela Torre

Other artists of Film score