Pag-ibig ang Piliin - Choose To Love

Pareho lang tayo
Naghahanap ng kublihan kung saan tayo'y tanggap
Ang magmahal ng hindi kailangan magpanggap
Ngunit minsan nasasaktan gayong nagmamahal ka lang
Tinatakasan ang mapanghusgang mundo
Ngunit kung pag-ibig lang ang panghawakan mo ah

Kahit na di natin alam ang bukas
Kahit di sumikat ang araw at bumuhos ang ulan
Kahit di umayon ang tadhana
Isang tawag mo lang pupuntahan nasaan ka man
Ganyan ang tunay na pag-ibig 'di takot sa mundo
Ipaglalaban kita hanggang sa dulo
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko

Pareho lang tayo
Naghahanap ng makakapitan mahal kang totoo
Walang panghuhusga at tanggap ka ng buo
Ngunit minsan nasasaktan gayong nagmamahal ka lang
Maiiwasan ba ang lupit ng mundo
Ngunit kung pag-ibig lang ang panghawakan
Sapat na yan kumapit lang

Kahit na di natin alam ang bukas
Kahit di sumikat ang araw at bumuhos ang ulan
Kahit di umayon ang tadhana
Isang tawag mo lang pupuntahan nasaan ka man
Ganyan ang tunay na pag-ibig 'di takot sa mundo
Ipaglalaban kita hanggang sa dulo
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko
Pag-ibig ang pipiliin ko

Most popular songs of Moira Dela Torre

Other artists of Film score