Pagitan

Kim Jasper Hernandez

Di ko alam
San sisimulan
Kapag ba binitawan
Makakalimutan?

Sana naman
Napagbigyan
Ng kahit konting oras
Para magpaalam

Sana maintindihan

Di ko pa yata kayang
Hindi ka na makita
Pag gising sa umaga
Ikaw, kaw lang naman ang hanap
Kaw lang ang pinangarap noon
Paano na ngayon
Paano tanggaping wala ka na
Paano at saan Magsisimula?

Kung nasan ka man
Sana mapakinggan
Ang aking panalangin
Na ika'y mahagkan

Ng kahit saglit
Ng ilang sandali
O san kukuha ng lakas
Kung ikaw ang dahilan

Di ko maintindihan

Di ko pa yata kayang
Hindi ka na makita
Pag gising sa umaga
Ikaw, kaw lang naman ang hanap
Kaw lang ang pinangarap noon
Paano na ngayon
Paano tanggaping wala ka na
Paano at saan Magsisimula?

Kahit di pa yata kayang
Hindi ka na makita
Babangon sa umaga

Hindi ko pa man makita
Mahahanap rin ang kalma
Tulad nung nandito ka pa

Hindi na pipigilan ang luha
Sa bawat oras na maisip ka
Hindi mawawalan ng pagasa
Sa pagitan ng wakas, at ng simula

Trivia about the song Pagitan by Moira Dela Torre

When was the song “Pagitan” released by Moira Dela Torre?
The song Pagitan was released in 2021, on the album “Pabilin/Pagitan - Single”.
Who composed the song “Pagitan” by Moira Dela Torre?
The song “Pagitan” by Moira Dela Torre was composed by Kim Jasper Hernandez.

Most popular songs of Moira Dela Torre

Other artists of Film score