Pahinga

Lolito Go, Moira Dela Torre

Parang kailan lang nang tayo'y
Magkapalitan ng pangako
Na kahit magkahiwalay 'di tayo
Susubok ng bago

Sabi mo pa nga
Walang pintong isasara
Hindi ito wakas bagkus ito ay pahinga
Ngunit ano itong nakita
Na may kayakap kang iba
Yan ba ang ibig mong sabihin sa pahinga

Sumasakit ang dibdib ko
Tumawag kayo ng ambulansya
Hindi ko na kaya 'to
Sobra ka na
Ipipikit man ang mata
Tanging ikaw ang nakikita
Anong kalokohan to
Sige sa kanya ka na

Bakit naman kung kailan pa
Handa na 'kong muling sumabak
Sa bagong kabanata natin ay
Saka ka mang-aahas

Sabi ko na nga
Walang akong mapapala
Kung di rin lang wagas
'Wag na muling itulak pa
Kaya't ngayong aking nakita
At di mo na makakaila
Itong pinto sa puso ko'y isasara

Sumasakit ang dibdib ko
Tumawag kayo ng ambulansya
Hindi ko na kaya 'to
Sobra ka na
Ipipikit man ang mata
Tanging ikaw ang nakikita
Anong kalokohan to
Sige sa kanya ka na

Kung bumalik ka man
Wala ka nang madadatnan
Ito na ang wakas para sa ating dalawa
At sana ay iyong makita
Kapag kayakap mo na siya
Mali ang ibig mong sabihin sa pahinga

Trivia about the song Pahinga by Moira Dela Torre

When was the song “Pahinga” released by Moira Dela Torre?
The song Pahinga was released in 2020, on the album “Patawad”.
Who composed the song “Pahinga” by Moira Dela Torre?
The song “Pahinga” by Moira Dela Torre was composed by Lolito Go, Moira Dela Torre.

Most popular songs of Moira Dela Torre

Other artists of Film score