Paubaya [Halfway Point]

Saan nagsimulang magbago ang lahat kailan nung ako'y 'di na naging sapat
Ba't di mo sinabi nung una pa lang ako ang kailangan pero 'di ang mahal

Saan nag kulang ang aking pagmamahal lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na ako ang kasama pero hanap mo siya

At kung masaya ka sa piling niya hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kanya 'wag kang paluhain at alagaan ka niya

Saan natigil ang pagiging totoo sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
Ba't 'di mo inamin na merong iba ako ang kayakap pero isip mo siya

At kung masaya ka sa piling niya hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kanya 'wag kang paluhain at alagaan ka niya ah ah

Ba't 'di ko naisip na merong hanggan ako yung nauna pero siya ang wakas

At kita naman sa 'yong mga mata kung bakit pinili mo siya mahirap labanan ang tinadhana
Pinapatawad nagpapasalamat pinapaubaya ko na sa kanya

Most popular songs of Moira Dela Torre

Other artists of Film score