Sabi Ng Lola [Halfway Point]

Sabi ng lola
'Wag sumuko kahit ubos na
Dahil ang bagyo'y natatapos
Pero ang pag-asa hanggang sa dulo

Oh sabi ng lola
Huwag papatol sa panghuhusga
Kahit hindi ka paniwalaan
Basta't alam mo ang katotohanan

Ang dami na nangyari
Sana maisip mo ako
Lahat ng pinayo
Naging gabay sa puso ko

Oh sabi ng lola
Apo ikaw ang aking tagumpay
Kaya 'wag sayangin ang 'yong buhay
'Wag isuko sa kaaway

Balang araw pagbibigyan pa
At mayayakap kang muli
Muling maging bata
Nang maligaya sa iyong piling

Oh
Oh
Oh
Oh

At kahit nasasaktan ka
'Wag mong itigil ang kanta
'Pagkat ang 'yong istorya
Ay nagbibigay ng pag-asa

Most popular songs of Moira Dela Torre

Other artists of Film score