Sabi-Sabi [Halfway Point]

Kaya mo bang panindigan lahat ng sinasabi
Bato-bato sa langit
Kung aalis lang ba't sinimulan
Mga pangakong bibitawan lang pala

Kaya wag magagalit 'pag ako'y tumatahimik
Paatras at pabalik naisip kong baka sakali
Magsisisi man sa huli wala nang mangyayari
Kasi ang kita sa bula mawawala lang rin

Magsisisi ba sa huli kung 'di ka patawarin
Kung 'di mo kayang tuparin bakit pa sasabihin shh
Walang maninira ng bakal
Kundi sarili mong kalawang ingat ka

Mas pipiliing masaktan nang panandalian lamang
Kaysa maiwang umaasa
Kaya 'wag magagalit 'pag ako'y tumatahimik
Paatras at pabalik naisip kong baka sakali

Magsisisi man sa huli wala nang mangyayari
Kasi ang kita sa bula mawawala lang rin
Magsisisi ba sa huli kung di ka patawarin
Kung 'di mo kayang tuparin bakit pa sasabihin hu (hu)

Patawad kung sakali ikaw lang ang nasisi
Pa'no mababawi ang nabitawang sabi-sabi
Magsisisi ba sa huli kung walang mangyayari
Sa bawat oras nabaon sa aking pagsisisi

At makikita sa huli na kayang patawarin
Kahit ang pinangako niya lahat ay sabi-sabi shh

Most popular songs of Moira Dela Torre

Other artists of Film score