Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko

Andrei Dionisio

O ba't kaya tuwing pasko ay dumarating na
Bawat isa'y para bang namomroblema
'Di mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay

Meron kayang karoling at noche buena
Kung tayo man ay kapos at wala ng pera
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo
Mga inaanak sa araw ng pasko

Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang pasko

'Buti pa ang pasko nung isang taon
Sa hapag mayro'ng keso de bola't hamon
Baka gipit happy new year mapo-postpone
At ang hamon ay mauwi sa bagoong

Kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang pasko

Kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang pasko

Tuloy pa rin (tuloy pa rin)
Tuloy pa rin (tuloy pa rin)
Tuloy pa rin ang pasko
Tuloy pa rin (tuloy pa rin)

Most popular songs of Moonstar88

Other artists of Alternative rock