Kapayapaan

Magkaiba man ang dugo
Ngunit iisa ang hangad
Magkaiba man ang mundo
Ngunit may iisang hangarin
Kaniya-kaniya man ang diwa
Ngunit iisa ang hangad
Magkaiba ng pag unawa
Ngunit may iisang hangarin
Hangarin

Kapayapaan
Para sa bawat kapwa
Kapayapaan ay ating ibahagi sa iba
Kapayapaan susi sa pagkakaisa
Kapayapaan ating simulan

Walang lungkot o problema at
Walang naghihintay sa wala
Walang luha o pighati
At walang nalulumbay
Walang gulo o karahasan
At walang mga batang umiiyak
Walang mahirap o mayaman
At ang bawat nilalang ay may iisang damdamin
Damdamin

Kapayapaan
Para sa bawat kapwa
Kapayapaan ay ating ibahagi sa iba
Kapayapaan susi sa pagkakaisa
Kapayapaan
Ating simulan

Ating simulan
Ating simulan
Ating simulan

Most popular songs of Nateman

Other artists of Asiatic music