Init Sa Magdamag

Kung gabing ang dilim ay laganap na
At mata ng dibdib ay nabulag na
Sa harap ng aking wari'y kawalan
Init mo ang aking nararamdaman
Parang apoy ang init mo sa magdamag

Saan man naroon ay mayrong halik
Pagdampi sa iyo ay magdirikit
Sumisigaw ang aking bawat sandali
Nadama pag-ibig mo na kay sidhi
Parang apoy ang init mo sa magdamag

Kung langit sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
Nasan ka pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag

Saan man naroon ay mayrong halik
Pagdampi sa iyo ay magdirikit
Sumisigaw ang aking bawat sandali
Nadama pag-ibig mo na kay sidhi
Parang apoy ang init mo sa magdamag

Kung langit sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
Nasan ka pagsaluhan natin
Ang init sa magdamag

Kung langit sa akin ay ipagkait
Dito sa init mo'y muling makakamit
Walang hanggang pag-ibig na may luha at tamis
Nasan ka nasan ka
Pagsaluhan natin ang init sa
Magdamag

Most popular songs of Nonoy Zuniga

Other artists of Middle of the Road (MOR)