Di Ko Na Kayang Masaktan Pa

Ogie Alcasid, Rene Salta, Leo Dominguez

Pinilit kong pigilin ang aking damdamin
‘Pagka't ika’y ‘di na dapat pang ibigin
Ikaw pala'y mayro’ng ibang minamahal
Habang ako'y sa 'ting pagmamahalan lang sumugal

Ang sabi mo ito’y malayo sa katotohanan
At ang puso mo'y nakalaan
Para sa akin lamang
Bulong ng aking isip ay ‘wag nang magtiwala
Sigaw ng puso ko'y
‘Wag umasa sa maling akala

Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maaari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran
Sa ‘yong mga kagustuhan
At halos ang lahat ay ibigay ko na

Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso ko'y paglaruan
Ng puso mong gahaman
Ako'y iyong palayain at huwag mo nang ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan pa

Huwag mo na sanang patagalin
‘Wag mo na akong linlangin
Pagdurusang ito'y hindi na makakaya

Hindi ko na kayang masaktan pa
Hindi na maaari pang ako'y gamitin na
Isang sunud-sunuran
Sa ‘yong mga kagustuhan
At halos ang lahat ay ibigay ko na

Hindi ko na mapapayagan pa
Ang puso ko'y paglaruan
Ng puso mong gahaman
Ako'y iyong palayain at huwag mo nang ibigin
Hindi ko na makakaya ang masaktan pa

Trivia about the song Di Ko Na Kayang Masaktan Pa by Ogie Alcasid

On which albums was the song “Di Ko Na Kayang Masaktan Pa” released by Ogie Alcasid?
Ogie Alcasid released the song on the albums “mga kuwento ng pag-Ibig” in 2003 and “Ogie Alcasid 18 Greatest Hits, Vol. 2” in 2010.
Who composed the song “Di Ko Na Kayang Masaktan Pa” by Ogie Alcasid?
The song “Di Ko Na Kayang Masaktan Pa” by Ogie Alcasid was composed by Ogie Alcasid, Rene Salta, Leo Dominguez.

Most popular songs of Ogie Alcasid

Other artists of Romantic