Kahapon Lamang

George Canseco

Kahapon lamang narito ang saya
May dal'wang puso daigdig na kay ganda
Sa kanilang mata mababanaag pa
Ningning ng pagsinta ukol sa isa't isa

Kahapon lamang ay magkahawak pa
Sa isang landasin na ngayo'y nagsanga
Bagamat may ngiti balatkayong saya
Magkabalikan pa kaya sila

Kahapon lamang ay kay saya
Whoa

Sa kanilang mata mababanaag pa
Ningning ng pagsinta ukol sa isa't isa

Kahapon lamang pag-ibig ay wagas
Animo'y batis na 'di magwawakas
Ngunit ba't naglayo 'di na nagkasundo
Kahit nagmamahalan kapuwa puso

Kahapon lamang pag-ibig ay wagas
Animo'y batis na 'di magwawakas
Ngunit ba't naglayo 'di na nagkasundo
Kahit nagmamahalan kapuwa puso

Kahapon lamang ay kay saya

Trivia about the song Kahapon Lamang by Ogie Alcasid

When was the song “Kahapon Lamang” released by Ogie Alcasid?
The song Kahapon Lamang was released in 2014, on the album “Koleksyon Classic OPM Hits”.
Who composed the song “Kahapon Lamang” by Ogie Alcasid?
The song “Kahapon Lamang” by Ogie Alcasid was composed by George Canseco.

Most popular songs of Ogie Alcasid

Other artists of Romantic