Kaibigan Mo Ako
Alam kong nasaktan ka na dati
Nagmahal at nasawi nabigo sa pag-ibig
Tahan na giliw 'wag nang lumuha
Kalimutan mo na siya sa 'kin ay lumapit ka
Kung ika'y nalulungkot
At isip mo'y gusot-gusot
Sana ay dinggin ang sasabihin ko
Kaibigan mo ako nalalaman mo ba ito
Sa lahat ng oras ay maaasahan mo
Kahit na nag-iisa ay laging may kasama ka
Ngalan ko'y tawagin mo kaibigan mo ako
Ganyan lang talaga ang pag-ibig
Kahit na anong gawin
May masasaktan pa rin
Kung ika'y nalulungkot
At isip mo'y gusot-gusot
Sana ay dinggin ang sasabihin ko
Kaibigan mo ako nalalaman mo ba ito
Sa lahat ng oras ay maaasahan mo
Kahit na nag-iisa ay laging may kasama ka
Ngalan ko'y tawagin mo kaibigan mo ako
Kaibigan mo ako nalalaman mo ba ito
Sa lahat ng oras ay maaasahan mo
Kahit na nag-iisa ay laging may kasama ka
Ngalan ko'y tawagin mo kaibigan mo ako