Kung Ako'y Iiwan Mo

George Canseco

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo
Sana'y dalhin mo rin ang puso ko
Na di rin titibok kundi sa 'yo
Ang kagandahan ng ating mundo
Dalhin mo rin paglisan mo

Landas ng pag-iisa
Tatahakin ko sinta
Upang di mamasdan ang bagay na
Magpapasakit sa alaala
Ngunit saan ako tutungo pa
Na di kita makikita

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo
Matitiis ko ba
Muli pang mag-isa
Kapag wala ka na
Aking sinta

Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan
At sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan
At may umaga ba
Sa ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo (kung ako'y)
Matitiis ko ba
Muli pang mag-isa
Kapag wala ka na
Aking sinta

Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan
At sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan
At may umaga ba
Sa ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan

May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi
May buhay pa kaya
Kapag ika'y wala
Ang buhay ko kaya ay di madali (pa'no ang gabi kung di ka mamasdan)
Kung ako'y iiwan mo oh (at sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka magisnan)
At may umaga ba
Sa ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan
Oh (kung ako'y)
Kung ako'y iiwan mo

Trivia about the song Kung Ako'y Iiwan Mo by Ogie Alcasid

When was the song “Kung Ako'y Iiwan Mo” released by Ogie Alcasid?
The song Kung Ako'y Iiwan Mo was released in 2014, on the album “Koleksyon Classic OPM Hits”.
Who composed the song “Kung Ako'y Iiwan Mo” by Ogie Alcasid?
The song “Kung Ako'y Iiwan Mo” by Ogie Alcasid was composed by George Canseco.

Most popular songs of Ogie Alcasid

Other artists of Romantic