Kung Bakit Ngayon

Vehnee Saturno

[Verse 1]
Sabi mo, ako'y ’di na kailangan at tuluyan na akong iiwan
Dahil pag-ibig natin ay walang hahantungan
Kahit kay sakit sa kalooban, pilit ko itong tinatakasan
'Pagkat minsan pa'y nasabi na ako’y 'di mo na mahal

[Chorus]
Kung bakit ngayon, ngayong wala ka na'y
Nagtatanong ang puso ko, bakit nagkagayon?
Hindi ba't noon, pag-ibig ang sa puso ay tugon?
Pa'no muling magbabalik sa atin ang kahapon? Ooh-woah-hey

[Verse 2]
'Di sinasadyang tayo'y magkita, ako't ikaw ay may ibang kasama
Kulay ng iyong mukha at kilos mo ay nag-iba
At hindi ko maipaliwanag kung ito’y isang maling pangarap
Nadaramang ikaw pa rin sa akin ang lahat

[Chorus]
Kung bakit ngayon, ngayong wala ka na’y
Nagtatanong ang puso ko, bakit nagkagayon?
Hindi ba't noon, pag-ibig ang sa puso ay tugon?
Pa’no muling magbabalik sa atin ang kahapon?

[Instrumental Break]

[Chorus]
Oh-woah, kung bakit ngayon, ngayong wala ka na'y
Nagtatanong ang puso ko, bakit nagkagayon?
Hindi ba't noon, pag-ibig ang sa puso ay tugon?
Pa'no muling magbabalik (Magbabalik)
Pa’no muling magbabalik (Pa'no magbabalik)
Sa atin ang kahapon?

[Outro]
Ooh-ooh-he-he

Trivia about the song Kung Bakit Ngayon by Ogie Alcasid

On which albums was the song “Kung Bakit Ngayon” released by Ogie Alcasid?
Ogie Alcasid released the song on the albums “I Am A Singer” in 2004, “Ogie Silver Series” in 2006, and “Ogie Alcasid 18 Greatest Hits” in 2009.
Who composed the song “Kung Bakit Ngayon” by Ogie Alcasid?
The song “Kung Bakit Ngayon” by Ogie Alcasid was composed by Vehnee Saturno.

Most popular songs of Ogie Alcasid

Other artists of Romantic