Lumilipad

Ogie Alcasid, Rene Salta, Leo Dominguez

Minsan ako’y nanaginip
Na kasama kita
Sa isang malayong lugar
Na tanawin ay kay ganda

Hawak ko ang iyong kamay
Unti-unti akong namamatay
Sa duyan ng pag-ibig
Nais kong humimlay

‘Di ko na maililihim
Ang tunay na damdamin
Nais ko na sana sa ‘yo ay sabihin

Lumilipad ang puso ko
Kapag kapiling na kita
‘Di mapigil ang aking nadarama
Naglalakad ako sa hangin
Naaabot ko ang bituin
Basta’t nariyan ka na sa ‘king piling
Lumilipad, lumilipad

At nang ako ay magising
Biglang hinanap ka na
Kay sarap palang umibig
Nalalasing sa tuwa
At habang hawak ko ang ‘yong kamay
Sa ‘king dibdib ay nabubuhay
Ang pagmamahal na sadyang wagas at tunay

‘Di ko na maililihim
Ang tunay na damdamin
Nais ko na sana sa ‘yo ay sabihin

Lumilipad ang puso ko
Kapag kapiling na kita
‘Di mapigil ang aking nadarama
Naglalakad ako sa hangin
Naaabot ko ang bituin
Basta’t nariyan ka na sa ‘king piling
Lumilipad, lumilipad
Lumilipad, lumilipad

‘Di ko na maililihim
Ang tunay na damdamin
Nais ko na sana sa ‘yo ay sabihin

Lumilipad ang puso ko
Kapag kapiling na kita
‘Di mapigil ang aking nadarama
Naglalakad ako sa hangin
Naaabot ko ang bituin
Basta’t nariyan ka na sa ‘king piling

Lumilipad…
Lumilipad…
Lumilipad…
Lumilipad…
Lumilipad

Trivia about the song Lumilipad by Ogie Alcasid

When was the song “Lumilipad” released by Ogie Alcasid?
The song Lumilipad was released in 2003, on the album “mga kuwento ng pag-Ibig”.
Who composed the song “Lumilipad” by Ogie Alcasid?
The song “Lumilipad” by Ogie Alcasid was composed by Ogie Alcasid, Rene Salta, Leo Dominguez.

Most popular songs of Ogie Alcasid

Other artists of Romantic