Minamahal Ko Siya
Minamahal ko siyang tunay
Kahit ano pa'ng sabihin nila'y
Walang humpay ang pag-alay ko sa kanya
'Pagkat siya lamang ang nagbibigay-kulay
Sa buhay kong ito walang iba kundi siya
Naririnig kaya niya 'ko ngayon
Minamahal ko siya
Ngunit walang magawa
'Pagkat 'di ko na kayang magdusa pa
Minamahal ko siya
Kay hirap namang umasa
Sana'y malaman niya
Na minamahal ko siyang tunay
Bakit kaya gano'n
Kung sino'ng iyong mahal siyang 'di mo kapiling
Ngayon ano ang dapat gawin
Ako'y hirap na puso'y pagod na
'Pagkat nasasaktan lagi nabibigo parati
Nararamdaman kaya niya ito
Minamahal ko siya
Ngunit walang magawa
'Pagkat 'di ko na kayang magdusa pa
Minamahal ko siya
Kay hirap namang umasa
Sana'y malaman niya
Na minamahal ko siyang tunay