Pandemya (feat. KRIMA)

David Jo Quinto, Robert Gorospe

Kailan ba ito matatapos? Nag-iisa na katanungan
Ugali, respeto, o pagmamahal? Saan pa ba tayo nagkulang?
Pahanap nga ng kasagutan, sakaling akoy matauhan
Isang taon ng mahigit na nasanay, bat dapat padin katakutan?
Anong bago dyan? Kung naluma na lahat mga plano ng
Mga tao, ang nakakabuang, yung iba namay maayos at kalmado lang
Sa ilan nakaka-trauma, di mawari
Pasabog na bombang, sinasabi
Sa taas na pumo-pronta? Di na bale
Pag ikay nagka-corona, di ka hari
Dami ng mga bulong, pasanin at mga tugon
Damdamin sa pagkalubog, malalim na pagkalulong
Sakali baka matuon
Pagkain sa mga gutom, ihain nalang sa pugon
Hangarin baon alulong
Hindi ka makalabas, pano ka makakatakas?
Babalik ka nanaman ba sa pagka-kulong?
Kung papano lunasan, diba ito ang dapat natin pag-usapan
Sa tagal nadin lumaban, kahit pano nasugatan
Mga luha ay punasan para sa kinabukasan
Mga dapat iwasan, alisin sa ulo nating merong katigasan
Wag mo na hayaan na ikaw ay matamaan, lalo ngayong panahong umiiyak ang kalikasan
Pag nangyari naku po, madadali ng buo
Hiram mo na buhay, diretso sa hukay, sa ibang klase na ubo
Maghapon mang naka-upo, kung minsan ay parang lumpo, o naka-yuko
Maghanap ng mga bagong mga bagay dito sa napaglipasang panahon sating lumang mundo
Kailan ba ito matatapos? Nag-iisa na katanungan
Ugali, respeto, o pagmamahal? Saan pa ba tayo nagkulang?
Pahanap nga ng kasagutan, sakaling akoy matauhan
Isang taon ng mahigit na nasanay, bat dapat padin katakutan?
Kulong nanaman ng maghapon, malapit na bang matabunan?
Gantong panahon pa naman sa ngayon, mas madami kinikilabutan
Ano nga ba ang syang kasagutan? Para tayo na ay matauhan?
Na dapat lumaban ng bayan kung nasan ang lahi ng mga walang kinakatakutan
Wala na bang katapusan ang kasamaan, hanggang kailan makakapagtaguan
Sa laro ni kamatayan para tayo ay bawasan upang pagbayaran ang hindi mo naman kasalanan
Puro bangayan sila turuan, di mo na malaman sino ang pakikinggan sa walang katuturan
Minanipula ang kalikasan para pahirapan, sinalanta, sinamantala upang pakinabangan
Meron ng bakuna, sinong gustong mauna?
Ang haba ng pila, mapapa-ihi ka, nanggaling pang tsina gamot na nakuha
Ligtas ka na nga ba o di mo alam?
Baka mapa-aga at naisahan
Ng mga sakim at doon sa bangin, ang gusto pala tayo ay mag-unahan
Ang dami ng mga nalagutan ng hininga, di mabilang at tila patuloy na lumalala
Unti-unti na bang natutupad ang hula sa banal na kasulatan tungkol sa pagwawakas, ito na ba ang simula?
Mga nagbuwis ng buhay, nagmistulang pataba, malungkot ang lahat ay mauuwi lang sa wala
Bawat galaw limitado, sa mundong naka-kandado siguradong lahat tayoy di na makakawala
Ikaw at ako, sabi ay hawak nilat kontrolado
Mga naganap na pag-iyak, maaaring tiyak na planado
Mula umpisa ay nakatala, sa palad di mo mababago
Ang pagiging makasalanan, kasakiman ay likas na sa tao
Kailan ba ito matatapos? Nag-iisa na katanungan
Ang dami ng mga nalagutan ng hininga, di mabilang at tila patuloy na lumalala
Pahanap nga ng kasagutan, sakaling akoy matauhan
Unti-unti na bang natutupad ang hula sa banal na kasulatan tungkol sa pagwawakas, ito na ba ang simula?
Kulong nanaman ng maghapon, malapit na bang matabunan?
Mga nagbuwis ng buhay, nagmistulang pataba, malungkot ang lahat ay mauuwi lang sa wala
Ano nga ba ang syang kasagutan? Para tayo na ay matauhan?
Bawat galaw limitado, sa mundong naka-kandado siguradong lahat tayoy di na makakawala

Trivia about the song Pandemya (feat. KRIMA) by OM

Who composed the song “Pandemya (feat. KRIMA)” by OM?
The song “Pandemya (feat. KRIMA)” by OM was composed by David Jo Quinto, Robert Gorospe.

Most popular songs of OM

Other artists of Jazz rock