Hanggang Sa Paglagot Ng Hininga
Oh
Oh
Sa aking paglipad
Dala ko ang iyong alaala
Aking iuukit sa mga
Matatayog na ulap
Ang nangungusap mong mga mata
At labing puno ng tamis
At ligaw na salitang tumatakas
Sa iyong puso at diwa hmm
Oh
Oh
Oh
Sa aking pagwalay
Tangay ko sa aking mga bisig
Ang mga hiblang tama ng masamyo mong buhok
Na bakas sa higpit ng pagkakayakap
Mangulila man
Isang pitik ng daliri at kurap ng mata
Alam kong nariyan ka lamang sa aking tabi
Higit pa sa multo
Sa dalas ng paramdam
Oh
Oh
Oh
Sa'king pagbabalik
Iipunin ko ang mga araw at gabi
Na nawalay sa 'yong piling
Susuklian ko ng habang-buhay na pagtangi
Na walang makakasupil
Hahamakin ang tadhana
Makapiling kang lubos
Hanggang
Sa paglagot
Ng hininga