Borbolen

Chito Miranda

[Verse]
Kapag nagsasama
Nagkakandaloko na
Kahit di natin sinasadya
Parang default na setting sa paborito mong camera
Laging dun tayo napupunta

[Chorus]
Ewan ko nga kung bakit tayo laging nagkakaganito
Siguro nga sadyang borbolen tayo

[Verse]
Kahit anong pilit na aking ayusin
Nagugulo pa rin tuwing kayo ay dumarating
Panay kalokohan kahit sa seryosong usapan
Nakakainis, ngunit 'pag wala ay nakaka-miss

[Chorus]
Ewan ko nga kung ano ang meron sa barkadang ito
Siguro nga sadyang borbolen tayo

[Verse]
Tulad nung lamay ng inyong kapitbahay
Naki-charge ka ng phone, ang ilaw sa altar ay biglang namatay
Ok lang sana, kung walang nagmimisa
Muntik na akong mamatay kakapigil ng tawa

[Chorus]
Paano kaya 'ko nasama sa mga kolokoy na 'to?
Siguro nga sadyang borbolen tayo

[Instrumental]

[Bridge]
Basta't ito ang palagi ninyong tatandaan
Kahit ano ang mangyari sa atin walang iwanan
At walang tatalo kailan pa man sa ating samahan
At aking paninindigang borbolen tayo

[Coda]
(Borbolen tayo)
Borbolen ka ba?
Ngayon at kailanman
(Borbolen tayo)
Borbolen tayo

Trivia about the song Borbolen by Parokya Ni Edgar

When was the song “Borbolen” released by Parokya Ni Edgar?
The song Borbolen was released in 2021, on the album “Borbolen”.
Who composed the song “Borbolen” by Parokya Ni Edgar?
The song “Borbolen” by Parokya Ni Edgar was composed by Chito Miranda.

Most popular songs of Parokya Ni Edgar

Other artists of Romantic