Kulay ng Pasko

Uldarico Gacutno, National Commission for Culture and the Arts, Sagisag Kultura Filipinas, Philippine Cultural Educati

Iba’t iba ang kulay ng Pasko sa sanlibutan
Masaganang handaan at may kwentuhan
Magandang christmas tree, maraming palamuti
Kumpleto ang Pasko at ikaw ay mapapangiti.

Di nasusukat sa regalo ang ating Pasko
At hindi rin sa parol na may magandang disenyo
At lalong hindi sa dami ng iyong pera
Kundi sa pusong mapagmahal sa ating kapwa.

Makulay ang ating Pasko
Kung iisa ang himig ng mga tao
Makulay ang ating Pasko
Kung yayakapin natin ang kapayapaan

Maghahari ang pagmamahalan
Ito ang kailangan ng sanlibutan
Pag ito ang kulay ng Pasko
Liliwanag ang buong mundo.

Nagsisimulang lahat sa bawat tahanan
Sa pag-ukit ng simpleng larawan ng kabutihan
Si nanay at tatay; si bunso, ate at kuya
Unang makikita ang tunay na kulay ng Pasko.

Makulay ang ating Pasko
Kung iisa ang himig ng mga tao
Makulay ang ating Pasko
Kung yayakapin natin ang kapayapaan

Ang ibang kulay ay matamlay
Dahil sa problema ng buhay
Kahit ano pa man ang ating kalagayan
Palaging tandaan, ang Diyos ay nariyan.

Makulay ang ating Pasko
Kung iisa ang himig ng mga tao
Makulay ang ating Pasko
Kung yayakapin natin ang kapayapaan

Maghahari ang pagmamahalan
Ito ang kailangan ng sanlibutan
Pag ito ang kulay ng Pasko
Liliwanag ang buong mundo.

Most popular songs of Philippine Madrigal Singers

Other artists of Religious