Chismis

Pio Policarpio Balbuena

Chismisan pa Chismisan pa
Chismisan pa Chismisan pa
Sige lang Chismisan pa Chismisan pa
Okay lang mag Chismisan pero ingat ha?
Makasira ka!

Huy alam mo ba Hiwalay na daw sila
At ang narinig ko pa sumamama na sa iba
Nakakapag taka sino kaya yung Pinalit nya
Nakakatawa nga buti na lang iniwanan sya

Teka nga bakit ba nakekeelam ka sa buhay nya Alam mo ba yung buong istorya aba hanep ah nanghalukay pa
Wala pa rin akong pake kahit na may patunay ka
Yung mga naninirang Chismoso chismosa bakit ba nabuhay pa

Ang dami mong paninira sa buhay nya
Sigurado ka ba dyan sa chismis ha
Oh sige nga may patunay ka?

Hoy napanood mo na ba yung bagong Scandal ha?
Kakaupload lang nito oh tingnan mo
Ngayon Viral na

Wait lang loading na yung internet ko mabagal pa tara ipakalat natin to pagkatapos
Pagkaka kitaan na haha

yung Ugali ay Pambihira
Sa galaw ng bunganga mo Makikita
Ginagamit sa mali ang mga Dila
Kumakapit pagkatapos ay
Mang hihila
gutom sa atensyon masisiba
Mga halatadong Mahihina
Pano magiging maayos ang lahat kung ikaw ay palaging maninira

Andyan na sila magkakasama
Paguusapan ka pagka wala ka
Ang kukulit ng mga bunganga
Walang mga pake kahit san pa tumama

Mga kapit bahay ang bangis naguusap
Habang nagwawalis tinitiis ko lang
Pero nakakainis tinitingnan nila ko
Pag ako ay aalis

San nanaman daw pupunta
Malamang lasing na yan at tutumba
Bakit ba nakekeelam ka sa buhay nya
Pag gabi na ba umuwi aba pokpok na

Kahit na anong gawin nakatutok ka
papakalat mo pa bakit nakatulong ba?
Porket maliit ang damit eh pasibak na
Yung iba ginagawa yun para sa anak nya

Ito ay isang paalala
Sa mga tsismisang lumalala na
Ang baho ng lumalabas
Sa mga bunganga
Mmaraming sinasabing
Nakakabahala

Kaya naman pala
Nakaka walang Gana
Pag maraming napikon
ikaw ang kawawa
Sa pandinig ng iba nakakahanga
Bato ka ng bato pero saan tatama?

Most popular songs of Pio Balbuena

Other artists of Asian hip hop