Nariyan Ka Pa Rin Sana
Kay bilis ng panahon na tayo'y nagkasama
Heto nang naghahanda
Muling pikit ang maleta
Kung pwede lang pigilan ang takbo ng sandali
Kundi lang kailangan na sa piling mo lagi
Masakit sa dibdib ko
Doo'y laging iwanan
Pati ang luha mo'y baon ko sa paglisan
Aasahan kong lagi ang iyong pagmamahal
Ng makayanan ko kahit gaano katagal
Huwag isipin na ika'y nag-iisa
Sa 'ting paghihiwalay
Ikaw ang alaala
Sana'y huwag kang mali na di mo ako kasama
Dahil ang lahat ng ito'y para sa 'ting dalawa
Inaasahan ko hanggang sa muli tayong magkita
Hihintayin mo ako
Nariyan ka pa rin sana
Kay bilis sing panahon na ika'y nagbago
Unting-unting lumalamig at lumalayo
Kung gaano na lamang ang aking pananabik
Naglaho ka bago pa man akong magkabalik
Ayoko mang isipin na ako'y mag-iisa
Sa 'ting paghihiwalay
Nang wala na ngang pag-asa
Bakit nga ba nainip na di mo ako kasama
Ang lahat na mang ito'y para sa 'ting dalawa
Inasahan ko sa muli nating pagkikita
Na ika'y nariyan
Anong silbi ng aking paglisan
Kung wala na man akong babalikan
Ayoko mang isipin na ako'y mag-iisa
Sa 'ting paghihiwalay
Nang wala na ngang pag-asa
Bakit nga ba nainip na di mo ako kasama
Ang lahat ng mang ito'y para sa 'ting dalawa
Inasahan ko sa muli nating pagkikita
Na ika'y nariyan
Nariyan ka pa rin sana
Nariyan ka pa rin sana