Takipsilim

Eto na yakap ang pusong nawalan ng tahanan
Galit ko'y di mailugar nabubulunan sa katotohanan
Wala bang kwentang mga ala-ala
O mga luhang pumatak sa'ting mga paa

Minamasdan ko ang dilim
Hinahanap ang sagot sa kulay ng takipsilim
Ako ngayo'y humihiyaw
Puso'y sumabit napunit sayong pag bitaw

Eto nga hawak-hawak ang kwintas na yong iniwan ho
May susi man ako wala namang pintong binubuksan
May kasalanan bang di maalala
O pag kukulang tumatak sa yong mga mata

Minamasdan ko ang dilim
Hinahanap ang sagot sa kulay ng takipsilim
Ako ngayo'y humihiyaw
Puso'y sumabit napunit sayong pag bitaw

Oh oh
Oh
Oh oh
Oh

Pwede pa bang ayusin
Kaya pabang bawiin
Ang mga salitang nag palayo sa yong piling

Most popular songs of Rachel Alejandro

Other artists of