Habang Buhay Aawit
Nang makilala ka puso ko ay binasag mo nang lubos
Laging nananabik sa presensya mo o Diyos
Panginoon balutin mo ako
Ng pagmamahal mong walang hanggan binago mo ako
Sa kabutihan mo katapatan mo ako ay luluhod
Purihin ka o Diyos
Habang buhay aawit sayo
Buong akala ko ako’y nag-iisa sa dilim
Ngunit nariyan ka lamang laging naghihintay sa panalangin ko
O Diyos
Panginoon balutin mo ako
Ng pagmamahal mong walang hanggan binago mo ako
Sa kabutihan mo katapatan mo ako ay luluhod
Purihin ka o Diyos
Habang buhay aawit sayo
Ang biyaya mo ang kalakasang gamit ko
Gamitin mo para sa kaluwalhatian mo
Panginoon balutin mo ako
Ng pagmamahal mong walang hanggan binago mo ako
Sa kabutihan mo katapatan mo ako ay luluhod
Purihin ka o Diyos
Habang buhay aawit
Panginoon balutin mo ako
Ng pagmamahal mong walang hanggan binago mo ako
Sa kabutihan mo katapatan mo ako ay susunod
Purihin ka o Diyos
Habang buhay aawit sayo
Purihin ka o Diyos (sayo ay luluhod)
Purihin ka o Diyos (sayo ay susunod)
Habang buhay aawit sayo