Babalikang Muli

Pinilit kong limutin ka
Nang iwan mong bigo ang puso ko
Nilimot na kita
Sa buhay kong mag-isa
Nguni't bakit ngayo'y
Ikaw pa rin ang hinahanap ko

Babalikang muli mga araw at sandali
Kahit wala ka sa 'king piling
Iniibig kita
Yan ang sigaw ng puso ko
Saan ka man naroroon pa

Una pa lang nakita ka
Ang buhay ko'y laan na sa iyo
Kapwa tayong hibang
Nangakong mag-iibigan
Binigay ko'ng lahat
Minahal ka nang buong tapat (minahal ka ng tapat)

Babalikang muli mga araw at sandali
Kahit wala ka sa 'king piling iniibig kita (iniibig kita)
Yan ang sigaw ng puso ko
Saan ka man naroroon pa

Hindi kahit 'sang saglit
Mawawaglit sa puso kahit kailan (mawawaglit sa puso kahit kailan)

Babalikang muli kahit ako'y nasasaktan
Hindi kita malilimutan
Kahit na sabihin
Na luluhang muli sa 'yo
Ibabalik ko ang kahapon (ibabalik ko ang kahapon)

Ah babalikang muli mga araw at sandali
Kahit wala ka sa king piling iibigin ka (iibigin ka)
Sigaw ng puso ko (oh)
Mahal pa rin kita
Saan ka man naroroon pa

Most popular songs of Regine Velasquez

Other artists of Middle of the Road (MOR)