Tadhana

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito

'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw na pagsinta

Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa 'yo

Saan nga ba patungo (saan nga ba patungo)
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo

Ba't di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
'Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa 'yo

Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa 'yo

Ako ang sasagip sa 'yo

Trivia about the song Tadhana by Regine Velasquez

When was the song “Tadhana” released by Regine Velasquez?
The song Tadhana was released in 2017, on the album “R3.0”.

Most popular songs of Regine Velasquez

Other artists of Middle of the Road (MOR)