Labis

Alex Catedrilla

[Verse]
Bakit kaya gano'n ang pintig ng puso ko?
Labis ang paghanga sa isang katulad mo
Pinilit nang limutin ka ngunit 'di magawa
Sa umaga, tanghali, gabi, ikaw ang nais makita

[Pre-Chorus]
Bakit kaya gano'n ang sigaw ng damdamin ko?
Walang ibang tinatawag kundi pangalan mo
Ano ba ang meron ka't nababaliw sa 'yo?
Ikaw na nga, ikaw na nga'ng nasa panaginip ko

[Chorus]
Labis, labis ang pag-ibig ko sa 'yo
Sana'y labis din ang ligayang mararanasan ko
'Pag nakapiling ka, kapag kayakap ka, aking sinta
Tunay nga itong pagsuyong nadarama

Oh, labis, labis ang pag-ibig ko sa 'yo
Sana'y labis din ang ligayang mararanasan ko
'Pag nakapiling ka, kapag kayakap ka, aking sinta
Tunay nga itong pagsuyong nadarama

Trivia about the song Labis by Renz Verano

When was the song “Labis” released by Renz Verano?
The song Labis was released in 2002, on the album “Memories”.
Who composed the song “Labis” by Renz Verano?
The song “Labis” by Renz Verano was composed by Alex Catedrilla.

Most popular songs of Renz Verano

Other artists of Middle of the Road (MOR)