Hindi Kita Iiwan

Rey Valera

Hindi kita iiwan
Ang sagot ko sa puso mong laging nagtatanong
Hindi kita masisisi ako ma'y nangangamba
Pagkat hindi natin batid ang ating bukas
Halik na nagbibigay pag-asa
Mga yakap na nag-aalis ng pangamba
At ang pag-ibig natin sa isa't isa
Ang tangi nating laban sa lupit ng buhay

Ninais nating umibig
Gayong tutol sa atin ang panahon
Tinangka nating mangarap sa mundong sadyang mapagkait
Ngunit anuman ang mangyari sa 'ting pagma-mahalan
Mahal ko laging umaasang
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan

Ninais nating umibig
Gayong tutol sa atin ang panahon
Tinangka nating mangarap sa mundong sadyang mapagkait
Ngunit anuman ang mangyari sa 'ting pagma-mahalan
Mahal ko laging umaasang
Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan

Hindi kita iiwan
Hinding-hindi kita iiwan

Trivia about the song Hindi Kita Iiwan by Rey Valera

On which albums was the song “Hindi Kita Iiwan” released by Rey Valera?
Rey Valera released the song on the albums “Hello” in 1982, “SCE: Maging Sino Ka Man” in 1997, “Walang Kapalit” in 2005, “Maging Sino Ka Man” in 2009, “Rey Valera’s Greatest Hits, Vol 2” in 2009, and “18 Greatest Hits: Rey Valera” in 2009.

Most popular songs of Rey Valera

Other artists of Film score