Kumot At Unan
Mabuti pa ang kumot mo kasama 'pag gabi
Mabuti pa ang unan mo kayakap sa gabi
Sa pag-uwi mo sila ang 'yong kasama
At sa pagtulog wala nang iba
'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo
Mabuti pa ang baso may tikim ng 'yong halik (oh)
Naiinggit ang labi kong laging nananabik
At sa paggising 'yan ang naaalala
Tuwing umaga wala nang iba
'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo
Pangarap kita
Kahit papa'no kita iisipin
Pangarap kita
Dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita
Gawin mo sana akong pangarap mo rin
Mabuti pa ang kumot mo kasama 'pag gabi (oh)
Mabuti pa ang unan mo kayakap sa gabi
Sa pag-uwi mo sila ang 'yong kasama
At sa pagtulog wala nang iba
'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo
Kumot at unan mo
Kumot at unan mo