Deadma [2]

Matagal ko nang gustong malaman mo matagal ko nang itinatago-tago 'to
Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila pwede bang bukas na ipagpaliban muna natin 'to

Dahil kumukuha lang ng tyempo upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero 'di mo lang alam mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan mahal kita kahit 'di mo lang alam oh

Matagal ko nang gustong sabihin 'to matagal ko nang gustong aminin sa 'yo
Sandali heto na at sasabihin ko na nga ngayon na mamaya o baka pwedeng bukas na

Dahil kumukuha lang ng bwelo upang sabihin sa iyo

Mahal kita pero 'di mo lang alam mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan mahal kita pero 'di mo lang alam oh

Ngunit kumukuha lang ng tyempo upang sabihin sa iyo oh

Mahal kita pero hindi mo lang alam hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sa 'kin kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sa 'yo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi nga lang halata hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita wala pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga masabi sa 'yo nang harapan mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan hindi rin kita titignan lagi mo lang akong pakikiramdaman
Lagi rin kitang pakikiramdaman at araw-araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalamanan na nais kong ako na rin ang magsabi sa 'yo nang harapan
Kasi alam kong do'n din naman ang tuloy niyan
At dalawa din lang naman ang posibleng sagot dyan oo o hindi
Kaya't eto na sasabihin ko na para matapos na at hindi na magka-chismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema at para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

Mahal kita pero 'di mo lang alam mahal kita pero 'di mo lang ramdam
Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan mahal kita kahit lagi mo nalang akong dinededma

Most popular songs of Rocksteddy

Other artists of