Liman-Dipang Tao

Limang dipang taong nagtutulakan
Sa abenidang aking napagdaanan
Nag-aabang ng masasakyan patungo kung saan
Di ko malaman

Sa aking jeepning sinasakyan
Mayroong natanaw na mama
Sa dinami-rami ng nagdaraan
Ikaw pa ang nakita
Ikaw pa ang nakita
Ikaw pa ang nakita (ikaw pa ang nakita)
May kasamang dalaga

Para mama dito na lang bababa na ako
Para mama dito na lang heto ang bayad ko
Para na sabi para na sabi
Para mama para na diyan sa tabi

Limang dipang taong nagtutulakan
Ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo
Tinatanaw ang pagakay mo
Sa dalawang pinagseselosan ko

Sa pagmamadali nadapa ako
Sa bangketang kinatatayuan nyo
Lumapit ka at tinulungan ako
At kita'y tinitigan (at kita'y tinitigan)
Mga mata'y nagkabanggaan
Ano ba itong naramdaman

Sorry mama pasensiya ka na akala ko'y asawa kita
Sorry mama pasensiya ka na sorry't naabala ka pa
Sorry na sabi
Sorry na sabi
Sorry mama sorry't napagkamalan ka

Limang dipang taong nagtutulakan
Sa Abenidang aking kinatatayuan
Nag-aabang ng masasakyan
Patungo kung saan 'di ko malaman

Limang dipang taong naguunahan
Sa uunting sasakyang nagdaraan
Sayang ang dyipning kanina'y lulan
At ngayo'y nagsisisi sa aking pagbubusisi
Malaking pagkakamali (malaking pagkakamali)

Para mama sasakay po limang dipang taong nagtutulakan
Para mama sasakay po limang dipang taong nag uunahan
Para na sabi
Para na sabi
Para mama para na diyan sa tabi.

Mama diyan sa tabi
Para na sabi para na sabi
Para mama para na diyan sa tabi para na diyan sa tabi
Sa tabi para

Most popular songs of Ryan Cayabyab

Other artists of