Dota O Ako [Part 2]

Anong pipiliin mo dota o ako
Anong mas gusto mo kapag kasama yan ang nasa isip
Anong mas gusto mo dota o ako
At ano ako sa iyo
Anong mahalaga mahal mo ba akong talaga

Bakit ka ganyan wala kang panahon
Lagi nalamang bang ganito ang sitwasyon
Muling intindihin at uunawain ka
Wag lang masayang ang lahat dahil mahal kita
Laging gumugulo sa isip ko oh kung bakit nangyayari ito
Ano bang ligayang naidudulot sayo ng larong ito

Nakukuha mong liwanag na gagawa mong pabayaan
Nakakaya mong paghintayin ako ng matagalan

Mahal mo ba kong talaga para sayo anong mahalaga sagutin ang tanong ko na

Anong pipiliin mo dota o ako
Anong mas gusto mo kapag kasama yan ang nasaisip
Anong mas gusto mo dota o ako at ano ako sa iyo
Anong mahalaga mahal mo ba akong talaga

Kayang tiisin kaya mong ipagpalit alam mo ba kung gaano to kasakit
Parang na frostbite echos slam assassinate power shot life break at culling blade
Wag mong sabihin na laro mo lang dahil sa akin marami kang pagkukulang
Hanggang ngayon sa isipan ko at anung nakalutang ay

Ano bang nakita mo sa dota na wala ako
Kaya ka bang mahalin ng dotang sinasabi mo
Ang dota ay laro na pwede mong paglaruan
Wag mong itulad sa akin na nasasaktan

Defense of the ancient andami kong libangan ngunit sa puso ko ikaw lamang nais kong yong malaman
Sa mundo ko ikaw ang nagbigay ng kulay kagandahan mong taglay parang si Rylai sa tunay na buhay
Patawad huwag kang kumalas lumambot sana ang puso mong heart of tarrasque
Damdaming agresibo at alam kong sensitibo ang ugali mo nalalanghap ko parang poof ni meepo
Pag tyagaan pa sana intindihin na para maglaho ang galit mo parang ss lang ni Bara
Ibubuhos ko sayo aking pagmamahal pag-ibig hangang kamatayan aegis of immortal

Anong pipiliin mo dota o ako (ikaw ang nais ko tanging ligaya ko ayukong malayo saiyo)
Anong mas gusto mo kapag kasama yan ang nasa isip (habang buhay kang mamahalin kahit anong mangyari pipiliin koy ikaw parin)
Anong mas gusto mo dota o ako (ikaw ang nais ko tanging ligaya ko ayukong malayo saiyo)
At ano ako sa iyo
Anong mahalaga mahal mo ba akong talaga (habang buhay kang mamahalin kahit anong mangyari pipiliin ko'y ikaw parin)

Most popular songs of Sabrina

Other artists of Pop