Pusong Nagkamali [Acoustic]

Kettle Mata, Samuel Mangubat

Magandang umaga sayo
Kumusta ang bago mong mundo
Meron bang nag-iba
Sa dating meron tayo

Niyayakap ko ng ganito
Ang unan na ginamit mo
Habang humihiling na bumalik
Mga oras na sana'y sayo
Inalay at binuhos ko
Ngayo'y lumilipas ng hindi ka katabi

Tulala at humihiling
Na sana ang lahat ay bumalik
Nakikiusap kahit sandali
Makita ka't masabi kong muli
Na ikaw lang ang nag-iisa
Sa puso kong nagkamali

Sa lamig ng gabi
Alaala ko ang haplos ng mga labi
Ang bulong ng hangin
Wala na ang pag-asang mahalin

Lumuluha na ng ganito
Sa unan na ginamit mo
Habang umaasang ikaw ay babalik

Tulala at humihiling
Na sana ang lahat ay bumalik
Nakikiusap kahit sandali
Makita ka't masabi kong muli
Na ikaw lang ang nag-iisa
Sa puso kong nagkamali

Hmm
Oh oh

Tulala at humihiling
Na sana ang lahat ay bumalik
Nakikiusap kahit sandali
Makita ka't masabi kong muli
Na ikaw lang ang nag-iisa
Sa puso kong nagkamali

Magandang umaga sayo
Kumusta ang bago mong mundo

Trivia about the song Pusong Nagkamali [Acoustic] by Sam Mangubat

When was the song “Pusong Nagkamali [Acoustic]” released by Sam Mangubat?
The song Pusong Nagkamali [Acoustic] was released in 2019, on the album “Pusong Nagkamali”.
Who composed the song “Pusong Nagkamali [Acoustic]” by Sam Mangubat?
The song “Pusong Nagkamali [Acoustic]” by Sam Mangubat was composed by Kettle Mata, Samuel Mangubat.

Most popular songs of Sam Mangubat

Other artists of Asian pop