Kay Tagal Kitang Hinintay [Acoustic]

Hawakan mo ang aking kamay
At tayong dalawa'y maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mong unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa

Tapos na ang paghihintay nandito ka na
Oras ay naiinip magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo'y di na tatanda

Ligaya mo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan

Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Ah ah oh

Nagkita rin ang ating landas wala ng iba
Akong hinihiling kundi ika'y pagmasdan

Mundo ko ay yong niyanig
Oh anung ligayang ika'y sumama sa akin oh

Nais ko lang humimbing
Sa saliw ng iyong tinig
Parang isang panaginip
Ang muling mapagbigyan

Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay baliwala

Panatag na'ng kalooban ko
At ika'y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay
Oh kay tagal kitang hinintay

Tayo'y muling magkasama
Ang dati ay balewala
Ang dati ay balewala

Oh at ika'y kapiling ko na
Oh kay tagal kitang hinintay
Oh kay tagal kitang hinintay
Oh

Most popular songs of Sam Tsui

Other artists of Pop