Kapit

Roll Martinez

Hindi ko na alam ang aking gagawin
Pagkadilim-dilim di ko napapansin
Ang ikot ng mundo'y lalong bumibilis
Naiwanan

Ako'y nababagabag sobrang pag-iisip
Paulit-ulit ang 'tong masamang panaginip
Ano at sino pa ang ipaglalaban ko
Ako'y pakinggan mo

Di ko na kayang ipikit ang aking mga mata
Tumatakbo papunta sa
Daang kung nasaan ang liwanag
Naghihintay nananalig
Na sana ay bumalik pa ang liwanag

Ang mga pangyayaring lumitaw at naganap
Hindi ko hawak ang aking hinaharap
Kaya ko lang gawin ay kumapit pa
Hangga't kaya pa

Di ko na kayang ipikit ang aking mga mata
Tumatakbo papunta sa
Daang kung nasaan ang liwanag
Naghihintay nananalig
Na sana ay bumalik na ang liwanag
Sana ay bumalik na ang liwanag

Trivia about the song Kapit by Sarah Geronimo

When was the song “Kapit” released by Sarah Geronimo?
The song Kapit was released in 2015, on the album “The Great Unknown”.
Who composed the song “Kapit” by Sarah Geronimo?
The song “Kapit” by Sarah Geronimo was composed by Roll Martinez.

Most popular songs of Sarah Geronimo

Other artists of Pop